1 Song Lyrics - Free lyrics website

Mata Ng Diyos SONG LYRICS

by

Wolfgang

Ringtones Ringtone: Send Mata Ng Diyos Ringtone to your Cell Phone!

sa pag mulat ng aking mata
ako'y ginising ng ihip ng hangin
ang sikat ng araw, makulay

sa tabi ng ilog
parang may tumatawag, pabulong
ako'y lumapit sa puno'y may natanaw
dumilim ang araw

bumigat bigla ang aking dibdib
tibok ng puso'y bumilis
ako'y hindi mapakali, ako'y naduduwal
sa pagtitig ng kanyang mata
ako'y kanyang hinusgahan
ligaya kong naramdaman
binawi sa akin
at hindi ko maalala
kung saan galing ito
mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko

tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
lalamunan ko'y tuyung-tuyo
tumakbo, lumayo sa titig mo
sa mata ng Diyos

biglang umikot ang paningin
liwanag ng araw biglang dilim
malambing na ihip ng hangin ngayon ay matalim
ako'y nawala sa aking sarili
pati ang lupa'y gumanti
bato't bundok at puno man
sumisigaw, sumisigaw...

at ngayon ko nakikita
ang lahat ng kasalanan, tinaboy sa ulan
init at kamunduhan

tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
lalamunan ko'y tuyung-tuyo
tumakbo, lumayo at magtago
sa mata ng Diyos

mata ng Diyos...

inalok ako ng isang ahas
pula't matamis na mansanas
pilit ko man hindi makaiwas
sa mata ng Diyos

Ringtones Ringtone: Send Mata Ng Diyos Ringtone to your Cell Phone!

Wolfgang - Mata Ng Diyos Song Lyrics from "Other Songs".

Click here for a printer friendly version of this song. This version also has foreign characters enabled.